Pangulong Tsino, binigyan diin ang pagkapanalo ng mahigpit at matagal na digmaan laban sa korupsyon

2024-01-09 15:54:01  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Enero 8, 2024, sa ikatlong sesyon ng plenaryo ng Ika-20 Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nanawagan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, para pasulungin ang sariling reporma ng Partido at tagumpayan ang mahigpit at matagal na digmaan laban sa korupsyon.

 

Aniya, dapat gumawa ang bansa ng koordinanong hakbangin para matiyak na ang mga opisyal ay walang katapangan, pagkakataon o pagnanais na maging tiwali.

 

Tinukoy ni Xi na dapat panatilihin ang mataas na presyur laban sa korupsyon, at dapat palalimin ang kampanya sa mga larangang kinabibilangan ng pinansya, mga kompanyang pag-aari ng estado, enerhiya, medisina at mga proyektong imprastruktura, at paglilinis ng mga nakatagong panganib.

 

Hinimok ni Xi ang higit pang pagsisikip para pabutihin ang lehislasyon at sistema ng paglaban sa korupsyon, nanawagan sa bansa na isulong ang pambansang lehislasyon laban sa korupsyon at amyendahan ang Batas sa Superbisyon alinsunod sa panahon.

 

Pinanguluhan ang pulong ni Li Xi, miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Sekretaryat ng Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina (CCDI).

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil