Paglawak ng kooperasyong pang-ekonomiya't pangkalakalan ng Tsina't Albania, inaasahan ng Pangulo ng Albania

2024-01-10 17:27:11  CMG
Share with:

Sa kanyang pagtanggap sa kredensyal ni Pang Chunxue, Embahador ng Tsina sa Albania, sinabi, Enero 9, 2024 ni Pangulong Bajram Begaj ng Albania na ang kooperasyon sa ekonomiya at kalakalan ng kanyang bansa  at Tsina sa nakaraang mga taon ay nagbunga ng maraming tagumpay, at nagdala ng tunay na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang lalo pang matutuklasan ang potensyal ng kooperasyon, at patuloy na maibibigay ang bagong lakas sa pag-unlad ng relasyong Albano-Sino.

 

Ipinahayag naman ni Pang, na kasama ng Albania, nakahandang pasulungin ng Tsina ang bilateral na relasyon tungo sa pagtatamo ng mas maraming bunga.

 

Salin: Ziyang Zhang 

Pulido: Rhio