3, patay sa pagsabog sa Kabul, Afghanistan

2024-01-10 14:38:19  CMG
Share with:

Inihayag, Enero 9, 2024, ng pulisya ng Afghanistan, na 3 katao ang nasawi at 4 iba pa ang nasugatan sa pagsabog ng isang van sa Kabul, kabisera ng bansa.

 

Anang pulisya, kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon.

 

Sa ngayon, wala pang organisasyon o indibidwal na umaako sa responsibilidad ng pagsabog.


Salin: Bai Ruiyan

Pulido: Rhio