Tigil-putukan sa Gaza Strip, isusulong ng Tsina

2024-01-10 14:32:38  CMG
Share with:

Ipinahayag, Enero 9, 2024 ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang panawagan ng panig Tsino sa komunidad ng daigdig para pasulungin ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip.

 

Ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig at saligang kahilingan para panumbalikin ang kapayapaan, aniya.

 

Saad pa ni Geng, wala pang nararating na komong palagay ang UN Security Council (UNSC) hinggil dito, at ikinalulungkot ng panig Tsino ang muling pagbebeto ng Amerika sa may kinalamang panukala noong Disyembre 22, 2023.

 

Dagdag niya, kailangang agarang isakatuparan ang tigil-putukan para pangalagaan ang “two-state solution.”

 

Tinututulan din aniya ng panig Tsino ang anumang plano para sa sapilitang pagllilikas ng mga mamamayang Palestino mula sa Gaza Strip.

 

Kasama ng komunidad ng daigdig, isusulong ng Tsina ang paggamit ng mga responsable at makabuluhang hakbangin para itigil ang sagupaan sa Gaza Strip sa lalong madaling panahon, aktuwal na isakatuparan ang “two-state solution” at kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio