Patay sa lindol sa Hapon, tumaas sa 202

2024-01-10 17:22:33  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas, Enero 9, 2024, ng prepekturang  Ishikawa ng Hapon, umakyat na sa 202 ang bilang ng mga namatay dulot ng 7.6 magnitude na pagyanig sa Noto Peninsula ng nasabing lugar, samantalang 102 naman ang kasalukuyang nawawala.

 

Samantala, nasa 3,300 katao ang nasasadlak pa rin sa kahirapan sa prepekturang Ishikawa at wala pa ring malinaw na iskedyul kung kalian maibabalik ang mga saligang serbisyong tulad ng koryente't tubig.

 

Salin: Xu Nuo

Pulido: Rhio