Pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, mula sa magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan

2024-01-10 14:42:59  CMG
Share with:

Sa kanyang liham, Enero 4, 2024 kay Sarah Lande, isang kaibigan mula sa estado ng Iowa ng Amerika, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mga natamong bunga ng relasyong Sino-Amerikano ay nagmula sa magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng dalawang bansa at ang patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay nangangailangan pa rin ng pagsisikap ng mga mamamayan.

 

Diin pa ni Xi, ang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano ay nasa kamay ng mga kabataan.

 

Umaasa ang pangulong Tsino, na mas darami ang mga batang Amerikano na bibisita at mag-aral sa Tsina para malaman nila ang tunay at komprehensibong kalagayan ng bansa.

 

Bukod dito, sinabi ni Xi na ang kapalaran at kinabukasan ng mundo ay nangangailangan ng matatag at maayos ng relasyong Sino-Amerikano.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio