45 libong kilometro, high speed railway ng Tsina

2024-01-10 17:20:59  CMG
Share with:

Inihayag Enero 9, 2024 ng China State Railway Group (CSRG), na hanggang noong katapusan ng 2023, umabot na sa 159 libong kilometro ang naisaoperasyong daambakal ng bansa, at kabilang dito ang 45 libong kilometro ng high speed railway.

 

Noong 2023, 764.5 bilyong yuan Renminbi ang kabuuang halaga ng fixed-asset investment sa daambakal ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 7.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022, dagdag ng CSRG.


Salin: Siyuan Li

Pulido: Rhio