Mutuwal na kapakinabangan at malayang kalakalan, isusulong ng Tsina at Finland

2024-01-11 15:35:09  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap via video link, Enero 10, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sauli Niinisto ng Finland, tinukoy ng pangulong Tsino, na nanatiling matatag nitong ilang taong nakalipas ang relasyon ng dalawang bansa at lumalalim ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng industriya ng kagubatan, produktong agrikultural, komunikasyon, enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, at edukasyon sa agham at palakasan sa taglamig.

 

Ani Xi, ang mga kooperasyon ng dalawang bansa ay nagdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng Tsina at Finland.

 

Kasama ng Finland, nakahanda aniyang ibahagi ng Tsina ang pagkakataon ng pag-unlad, palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pangalagaan ang malayang kalakalan.

 

Sa pakikipagtulungan ng mga bansang Europeo na gaya ng Finland, pangangalagaan at pasusulungin ng Tsina ang bilateral na relasyon at isasakatuparan ang komong pag-unlad, dagdag ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Niinisto na kasama ng Tsina, nakahanda rin ang kanyang bansa, na palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Finland’t Tsina, at Europa’t Tsina.

 

Ipina-abot din ng dalawang pangulo ang pagbati ng manigong Bagong Taon sa isa’t-isa.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio