Aktuwal na benepisyo, dulot ng RCEP sa mga kasapi - MOFA

2024-01-11 15:37:59  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Enero 10, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sapul nang magkabisa ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), malaking bumaba ang gastusin sa kalakalan sa rehiyong sinasaklaw nito, at naging mas mahigpit ang kadena ng suplay at industriya.

 

Ito aniya ay nagdulot ng aktuwal na benepisyo sa mga kasapi sa RCEP.

 

Sinabi ni Mao na ang RCEP ay milestone sa pagbuo ng integrasyong panrehiyon at maningning na modelo ng pagbabahaginan ng pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon.

 

Saad pa ni Mao, palagiang iginigiit ng Tsina ang ideya ng pagbubukas at pinapasulong ang dekalidad na konstruksyon ng RCEP.

 

Ayon sa datos, mula Enero hanggang Nobyembre 2023, umabot sa mahigit 46.6 bilyong yuan Renminbi ang halaga ng sariwang durian na inangkat ng Tsina mula sa mga kasaping bansa ng RCEP.

 

Ito ay lumaki ng 170% kumpara sa taong 2021.


Ani Mao, kasama ng iba’t-ibang panig, nakahanda ang Tsina na komprehensibo at de-kalidad na isakatuparan ang RCEP tungo sa komong pag-unlad ng mga kasaping bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio