Relasyon ng Tsina at Maldives, itinaas sa komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership

2024-01-11 07:12:36  CMG
Share with:

Sa pag-uusap Enero 10, 2024, dito sa Beijing, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Mohamed Muizzu ng Maldives, inihayag nila ang pagpapataas ng relasyong Sino-Maldivian sa komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership.

 


Hinggil dito, tinukoy ni Xi na kailangang palakasin ng Tsina at Maldives ang multilateral na komunikasyon at koordinasyon, pangalagaan ang totoong multilateralismo at komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at magkasamang pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangakatauhan, para gawing mas mapayapa, ligtas at masagana ang daigdig.

 


Umaasa naman si Muizzu, na lalo pang mapapalawak ang bagong tsanel at mapapasagana ang nilalaman ng bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa, para likhain ang mas maraming benepisyo para sa mga Maldivian at Tsino.

 

Nakahanda ang Maldives na palakasin ang pakikipagkoordinasyon sa Tsina sa mga usaping panrehiyon at pandaigdig, at suportahan ang isa’t -isa, aniya.

 

Matapos ang pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon, kaugnay ng plano ng aksyon sa pagtatatag ng bilateral na komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership, magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road, pangangasiwa sa mga sakuna, ekonomiya at agham, asul na ekonomiya, diyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad, imprastruktura, pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio