Pagdating ng huling buwan ng lunar calendar, mas nagiging masidhi ang diwa ng Bagong Taon

2024-01-12 16:33:24  CMG
Share with:

Unang araw sa huling buwan ng kalendaryong Tsino o lunar calendar ang Enero 11. Ayon sa kulturang Tsino, sinasabing “kapag pumasok na ang huling buwan, Bagong Taon na”. Palaging naghahanda ang mga Tsino para sa pagdating ng Bagong Taon sa iba't ibang bahagi ng bansa, at unti-unting makikita ang paglalim ng diwa ng Bagong Taon.

 

Sa loob ng isang mall sa Rizhao, Shandong sa silangang bahagi ng Tsina, punong-puno ng iba't ibang uri ng palamuti ang makikita para sa pagsalubong ng Bagong Taon

 

 

Makikita sa Linyi, Shandong, silangang bahagi ng Tsina ang paglalagay  ng inflatable arch na may elemento ng Taon ng Dragon, na puno na ang kapaligiran para sa Pagdiriwang ng Tagsibol

 


Sa Weifang, Shandong, silangang bahagi ng Tsina, gumagawa ng mga puppet toy ang mga lokal na artista

   

Sa Tongren, Guizhou, sa timog-kanlurang bahagi ng Tsina, ang tradisyonal na pagkaing “hongba” ay palaging mabango at inaabangan sa pagsalubong ng Bagong Taon 

    

Para naman sa mga kalye ng Chongqing sa timog-kanlurang Tsina, makikita ang paglitaw ng mga dekorasyong may “mga elemento ng dragon” para sa pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol

  

Sa Changzhou, Jiangsu sa silangang bahagi ng Tsina, ang malalaki at makukulay na “cute dragon” lantern ay kumikinang at kapansin-pansin

  

Bukod dito, ang mga produkto ng Yiwu, Zhejiang sa silangang bahagi Tsina para sa pagdiriwang ng Taon ng Dragon sa Pestibal ng Tagsibol ay sikat na sikat

  

Sa Shenyang, Liaoning sa hilagang-silangan ng Tsina naman, isang marangya at 20 metrong taas na higanteng dragon ang makikita, bilang pagbati sa Taon ng Dragon

 

Sa Enshi, Hubei sa gitnang bahagi ng Tsina, ang mga grupo ng mananayaw ay nagtatanghal ng dragon dance, bilang pagtanggap sa pagdating ng Bagong Taon ng Dragon

 

 

Tagasalin: Bai Ruiyan