Pangalawang Premyer Tsino, dadalo sa NAM Summit at South Summit, dadalaw sa Algeria, Cameroon, at Tanzania

2024-01-12 17:48:56  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Enero 12, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, dadalo si Liu Guozhong, Pangalawang Premyer Tsino, sa Ika-19 na Summit ng Non-Aligned Movement (NAM) at Ika-3 South Summit na idaraos sa Kampala, Uganda.

 

Ayon pa rin kay Mao, pagkaraan nito, dadalaw rin si Liu sa Algeria, Cameroon, at Tanzania.

 

Ang biyaheng ito ay sisimulan sa Enero 15, at matatapos sa Enero 24, dagdag ni Mao.


Editor: Liu Kai