Piyesta ng yelo at niyebe - pag-usbong ng mga turista sa taglamig

2024-01-12 14:18:42  CMG
Share with:


Sa simula ng bagong taon, patuloy na umaangat ang turismo sa lunsod ng Harbin, probinsya ng Heilongjiang, na kilala sa Tsina bilang Lunsod ng Yelo. Ang Abenida Sentral, na siyang pangunahing atraksyon ng Harbin, ay dinarayo ng maraming bisita, lalung-lalo na sa gabi. Sa pamamasyal sa kalyeng pinalamutian ng mga ilaw, pagmamasid sa mga eskultura ng yelo at pagtikim ng masasarap na pagkain, pinalalakas ng mga turistang mula sa iba't ibang lugar ang gabi-gabing pagkonsumo sa taglamig.



Video/Salin: Tirso

Pulido: Ramil