Amerika at UK, kinumpirma ang paglulunsad ng air strike sa Houthis sa Yemen

2024-01-12 16:18:25  CMG
Share with:

Kinumpirma, Enero 12, 2023, ng Amerika at UK ang paglulunsad ng mga air strike laban sa mga target ng Houthi sa Yemen.

 


Ayon naman sa mga opisyal ng Houthi, ang paglulunsad ng Amerika at UK ng “mga pagsalakay” sa kabisera ng Sanaa, kasama ang mga syudad ng Saada at Dhamar, gayundin ang lalawigang Hodeibah ay isang “American-Zionist-British aggression.”

 

Samantala, ipinahayag naman ng Iran, Iraq, at Hezbollah ng Lebanon, ang pagkondena sa pag-atake ng Amerika at UK sa mga Houthi sa Yemen.

 

Siyuan Li