Sa kanyang mensahe, Enero 13, 2024 bilang pagbati sa “Taon ng Pagpapalitang Tao-sa-Tao ng Tsina at Kambodya,” sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na kapuwa mamamayan ng mga sinaunang sibilisadong bansang may maluningning na kultura, at mahabang kasaysayan ang mga Tsino at Kambodyano.
Sa ilalim aniya ng estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, pumasok na sa makabagong panahon ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Kambodyano, patuloy na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, bumibilis ang pragmatikong kooperasyon, at masiglang umuunlad ang pagpapalitang tao-sa-tao, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga Tsino at Kambodyano.
Umaasa si Li, na sasamantalahin ng dalawang bansa ang pagkakataon ng “Taon ng Pagpapalitang Tao-sa-Tao ng Tsina at Kambodya,” upang itaguyod ang mas maraming pagpapalitan tungo sa ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Kambodyano sa mga larangang tulad ng pangangalaga sa mga relikyang kultural, sining, edukasyon, at medisina.
Ipinadala rin nang araw ring iyon ni Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya ang mensaheng pambati kay Li kaugnay ng naturang okasyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio