Posisyon ng Tsina sa halalan sa rehiyong Taiwan, inihayag ng MOFA

2024-01-14 10:27:27  CMG
Share with:

Kaugnay ng resulta ng halalan sa rehiyong Taiwan, ipinahayag Enero 13, 2024 ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina.


Kahit ano pa anito ang pagbabagong mangyari sa situwasyon sa rehiyong Taiwan, iisa lang ang Tsina sa daigdig.


Ayon pa sa MOFA, hindi nagbabago ang saligang katotohanang isang bahagi ng Tsina ang Taiwan, hindi nagbabago ang pananangan ng pamahalaang Tsino sa prinsipyong isang-Tsina, hindi nagbabago ang paglaban nito sa “puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan,” at hindi nagbabago ang pagtutol nito sa pagkakaroon ng “dalawang Tsina” at “isang Tsina at isang Taiwan.”


Nananalig ang Tsina na patuloy na igigiit ng komunidad ng daigdig ang prinsipyo isang-Tsina, mauunawaan at susuportahan ang lehitimong usapin ng mga mamamayang Tsino sa pagtutol sa separatistang aksyon at pagsasakatuparan ng unipikasyon ng inangbayan, saad ng MOFA.


Salin: Lito

Pulido: Rhio