Tsina sa Amerika: totohanang ipatupad ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunikeng Sino-Amerikano

2024-01-14 17:45:14  CMG
Share with:

Sa pahayag na ipinalabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika tungkol sa halalan ng rehiyong Taiwan ng Tsina, malubha itong lumabag sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunikeng Sino-Amerikano, malubhang lumabag sa nagawang pangakong pulitikal ng panig Amerikano, at inilabas ang grabeng maling seynal sa separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mahigpit na kawalang-kasiyahan at matinding pagtutol, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.


Anang tagapagsalitang Tsino, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na totohanang ipatupad ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunikeng Sino-Amerikano, ipatupad ang nagawa nitong pangakong pulitikal, itigil ang anumang opisyal na pagpapalagayan sa Taiwan, at itigil ang pagpapalabas ng anumang maling seynal sa separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Salin: Lito