Magkasanib na pahayag hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel, inilabas ng Tsina’t LAS

2024-01-15 16:41:17  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Enero 14, 2024, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ahmed Aboul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States (LAS), nanawagan ang kapwa panig sa Palestina at Israel na agarang itigil ang sagupaan, para aktuwal na mapangalagaan ang mga sibiliyan.

 

Nanawagan din sila sa komunidad ng daigdig para pasulungin ang muling pagsisimula ng talastasang pangkapayapaan tungo sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan.

 

Samantala, sinabi nilang ang anumang kasunduan kaugnay ng kapalaran at kinabukasan ng Palestina ay dapat sumunod sa prinsipyong “ang Palestina ay pamamahalaan ng mga Palestinian,” at ang “Two State Solution” ay ang pundasyon ng anumang kapasiyahan kaugnay ng kapalaran ng mga Palestino.

 

Ani Wang, pinupuri ng panig Tsino ang mahalagang papel ng LAS sa pag-iwas sa pagkaganap ng makataong krisis sa Gaza Strip.

 

Lubos namang pinahahalagahan ng LAS ang pagsisikap ng Tsina para suportahan ang makatarungang usapin ng mga Palestino.

 

Bukod dito, pinag-usapan din nila ang paglala ng kalagayan ng Red Sea.

 

Nananawagan anila ang Tsina at LAS sa iba’t-ibang kinauukulang panig na pasulungin ang pagpapahupa ng tensyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio