Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa bagong hari ng Denmark

2024-01-15 18:18:43  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Enero 14, 2024 sa koronasyon bilang bagong hari ng Denmark ni Frederik X, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan at malalim ang pagkakaibigan ng mga Tsino at Danish nitong nakalipas na 74 taon, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Denmark, kaya naman, kaantabay ni Haring Frederik X, nakahandang magsikap ang Tsina para pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng komperhensibong estratehikong partnership ng dalawang panig para idulot ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Danish.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio