Engrandeng pagdiriwang ng Pista ng Tagsibol, idinaos sa kabisera ng Chile

2024-01-15 18:26:07  CMG
Share with:

Idinaos, Enero 13, 2024 ang engrandeng pagdiriwang ng Pista ng Tagsibol sa Santiago, kabisera ng Chile.

 


Itinanghal dito ang tradisyonal na mga palabas ng sining at kultura ng Tsina, pati na rin ang mga lutuing Tsino para sa mga lokal na mamamayan, na nakahikayat sa libu-libong tao.

 

Ayon sa mga lokal na opisyal, ito ang ikalawang beses nang pagdaraos ng Pista ng Tagsibol sa lugar, at ang mga mamamayan ng Chile ay may malaking interes sa kulturang Tsino.