Premyer Tsino at Pangulong Swiso, nag-usap: kooperasyon sa maraming larangan, isusulong

2024-01-15 14:23:13  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Enero 14, 2024 nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Viola Amherd ng Switzerland habang bumibiyahe sa tren mula Zurich, papuntang Bern, kabisera ng Switzerland, sinabi ng premyer Tsino, na kasalukuyang pinapasulong ng kanyang bansa ang modernisasyon sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad.

 

Nakahanda aniyang makipagpalitan ng kaalaman ang Tsina sa Switzerland, at palalimin ang pagpapalitang pangkultura at tao-sa-tao upang matamo ang mas maraming bunga mula sa aktuwal na kooperasyon.

 

Tinukoy ni Li na patuloy na lumalawak ang pagbubukas ng Tsina sa labas at winewelkam ng bansa ang pamumuhunan at pagnenegosyo ng mas maraming bahay-kalakal ng Switzerland .

 

Samantala, sinabi ni Amherd, na mainit na tinatanggap ng Switzerland ang opisiyal na pagdalaw ni Li.

 

Aniya, ang mga Swiso at Tsino ay magkaibigan, at mahaba at mabunga ang kasaysayan ng kooperasyon ng dalawang bansa sa maraming larangan.

 

Ilan sa mga pinag-usapan ng dalawang lider ay hinggil sa inobasyon ng teknolohiya at agham, berdeng pag-unlad, kulura at turismo, at palakasan sa taglamig.

 

Sumang-ayon silang isulong ang kooperasyon sa nabanggit na mga larangan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio