Opisyal na ipinalabas ngayong araw, Enero 15, 2024, ng bansang Nauru ang muling pagtatatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina, pagkilala sa prinsipyong isang-Tsina, at diplomatikong pagkalas sa rehiyong Taiwan.
Ang Nauru ay isa sa mga bansa sa Oceania.
Hinggil dito, inihayag ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang papuri at pagtanggap.
Anito, iisa lang ang Tsina sa daigdig at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi nito.
Dagdag ng ministri, batay sa Resolusyon 2758 ng United Nations (UN), ang pamahalaan ng Repubilka ng Bayan ng Tsina ang tanging lehitimong gobyerno na maaaring kumatawan sa buong bansa, at ito’y komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Base sa prinsipyong isang-Tsina, itinatag ng pamahalaang Tsino ang relasyong diplomatiko sa 182 bansa, anang MOFA.
Anito pa, ang muling pagkakatayo ng relasyong Sino-Nauru ay tunguhing historikal at katunayan ng suporta ng daigdig sa nasabing prinsipyo.
Kasama ng Nauru, nakahandang simulan ng pamahalaang Tsino ang bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa batay sa prinsipyo isang-Tsina, saad pa ng MOFA.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio