Pagsasanggalang sa pambansang pag-ahon, hiniling ni Xi Jinping sa mga organong hudisyal, prokuratora at pampublikong seguridad

2024-01-15 14:21:04  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Central Conference on Judicial, Procuratorial and Public Security Work na idinaos sa Beijing mula Enero 13 hanggang 14, 2024, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga organong hudisyal, prokuratora at pampublikong seguridad na ipagkaloob ang matibay na garantiya sa pambansang pag-ahon.

 

Nanawagan din siya sa mga tauhan ng nabanggit na organo, na matapat at determinadong isakatuparan ang kanilang tungkulin.

 

Kailangan aniyang masikap na maigaranitya ang pambansang seguridad, pataasin ang political acumen at political discernment, at pigilan at lutasin ang mga pangunahing krisis ng seguridad.

 

Hiniling din ni Xi na determinadong panatilihin ang katatagang panlipunan at pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio