Seremonya ng paglulunsad ng “China-Cambodia Year of People-to-People Exchanges,” ginanap

2024-01-15 18:23:50  CMG
Share with:

Idinaos, Enero 13, 2024 sa lunsod Siem Reap ang seremonya ng paglulunsad ng “China-Cambodia Year of People-to-People Exchanges.”

 

Sa seremonya, binasa ang liham ng pagbati mula sa Punong Ministro ng Cambodian na si Hun Manet para sa aktibidad na ito.

 

Sa liham, sinabi ni Hun Manet, na patuloy niyang susuportahan ang koopearsyon ng Belt and Road Initiative (BRI) at “Diamond Six-sided” na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Magpupunyagi rin aniya siya upang pagtibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga Kambodyano at Tsino, at palalakasin ang praktikal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Sa taong 2024, magsisikap ang Cambodia na umakit ng mas maraming turista at negosyong Tsino na maglakbay at mamuhunan sa Cambodia, tungo sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, dagdag ng punong ministro.

 

Ang nasabing seremonya ay magkasamang inorganisa ng Tsina at Cambodia.