Tsina sa Pilipinas: itigil ang maling pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan

2024-01-16 21:15:40  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbati kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas kay Lai Ching-te sa kanyang pagkahalal bilang umano’y “presidente” ng Taiwan, ipinahayag ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na ang kaukulang pananalita ng lider ng Pilipinas ay grabeng lumabag sa prinsipyong isang-Tsina, at walang-galang na nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina.


Matinding tinututulan ng panig Tsino hinggil dito, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Pilipino.


Hinihimok ng panig Tsino ang panig Pilipino na totohanang tupdin ang prinsipyong isang-Tsina, itigil ang maling pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan, at maingat at maayos na hawakan ang isyung ito, diin ng embahadang Tsino.


Salin: Lito