Premyer Tsino at Pangulong Swiso, nag-usap

2024-01-16 15:52:12  CMG
Share with:

 

Nag-usap kahapon sa Bern, kabisera ng Switzerland, sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Viola Amherd ng bansang ito. Dumalo rin sa pag-uusap si Guy Parmelin, Councilor at Puno ng Departamento ng Kabuhayan, Edukasyon at Pananaliksik ng Pamahalaang Swiso.

 

Tinukoy ni Li na kasama ng Switzerland, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas.

 

Dapat aniyang pahigpitin ng dalawang panig ang kooperasyon sa malayang kalakalan at matuklasan ang bagong puwersa ng kooperasyon na gaya ng green economy, pinansiya at digital economy.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na magkakaloob ang Switzerland ng bukas, makatarungan at pantay na kapaligiran ng komersyo para sa mga bahay-kalakal ng Tsina.

 

Saad pa ni Li na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na mekanismo na gaya ng United Nations at kooperasyon sa mga larangang gaya ng imprastruktura, at pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Sinabi nina Viola Amherd at Guy Parmelin na handa ang Switzerland na patuloy na pasulungin ang de-kalidad na bilateral na diyalogo sa Tsina, palalimin ang kooperasyon at pagpapalitan sa kabuhayan, kalakalan, edukasyon, pinansiya, siyensiya’t teknolohiya, at kultura, at magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima, kalusugang pampubliko at cyber security.

 

Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagsisimula ng talastasan hinggil sa pagtaas ng antas ng kasunduan ng malayang kalakalan sa lalong madaling panahon.

 

Ipinahayag ng panig Tsino na bibigyan ng unilateral na visa free ang Switzerland at pabibilisin naman ng panig Swiso ang proseso ng visa sa mga sibilyang Tsino at bahay-kalakal nito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil