Kaugnay ng pagbati kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas kay Lai Ching-te sa kanyang pagkahalal bilang umano’y “presidente” ng Taiwan, ipinahayag Enero 16, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kaukulang pananalita ni Pangulong Marcos Jr. ay grabeng lumabag sa prinsiyong isang-Tsina at komunike ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, grabeng lumabag sa nagawang pangakong pulitikal ng panig Pilipino sa panig Tsino, at walang-galang na nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina.
Ani Mao, inihayag ng panig Tsino ang matinding kawalang-kasiyahan at pagtutol hinggil dito, at iniharap na ang buong tinding protesta sa panig Pilipino.
Diin pa niya, pinapayuhan ng panig Tsino sa panig Pilipino na huwag maglaro ng sunog sa isyu ng Taiwan, at itigil ang pagpapalabas ng anumang maling seynal sa separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Salin: Lito