Ayon sa Korean Central News Agency (KCNA), inihayag Enero 15, 2024 ng Supreme People’s Assembly ng Hilagang Korea na ang kanilang desisyon, na buwagin ang Committee for the Peaceful Reunification of the Country (CPRK), Kumgangsan International Tourism Administration, at iba pang mga ahensiya ng inter-Korean affairs.
Dagdag nito, idinaos Enero 15 ang Ika-10 sesyon ng Ika-14 na Supreme People’s Assembly ng Hilagang Korea.
Sinuri at pinagtibay din nito ang buod ng pagsasakatuparan ng pambansang badyet sa 2023 at pambansang badyet para sa 2024.
Salin: Siyuan Li
Pulido: Ramil