Mga produktong may temang “Elemento ng Dragon”, mainit na itinitinda

2024-01-16 16:27:48  CMG
Share with:

Ang ika-10 ng Pebrero ay ang Bagong Taong Tsino, Taon ng Dragon sa Tsina. Sa palapit na pagdiriwang ng Bagong Taon at Spring Festival, maraming malalaking supermarket, maliliit na pamilihan ng mga kalakal, at tindahan ng alahas ang nagtatampok ng masiglang tanawin ng “Dragon Soars.”

 

Ang mga kultural at malikhaing produkto tulad ng mga pulang sobre, spring couplet, plush figure, at accessories na may mga elemento ng dragon ay napakasikat, at mahusay din itong ibinebenta sa ibang bansa.