Xi Jinping, bumati sa muling panunungkulan ni Etienne Tshisekedi bilang pangulo ng Democratic Republic of the Congo

2024-01-17 16:27:09  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Enero 17, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Etienne Tshisekedi bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan ng pangulo ng Democratic Republic of the Congo.

 

Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, masagana ang mga aktuwal na kooperasyon at lumalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan.

 

Kasama ni Etienne Tshisekedi, nakahanda si Xi na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil