Premyer Tsino, dumalo sa pananghalian ng WEF

2024-01-17 14:38:52  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Enero 16, 2024 si Premyer Li Qiang ng Tsina sa pananghalian ng 2024 World Economic Forum (WEF) na idinaos sa Davos ng Switzerland.

 

Ipinahayag ni Li na hindi magbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pangmatagalang paglaki ng kabuhayang Tsino at ito aniya ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa.

 

Tinukoy ni Li na tinututulan ng panig Tsino ang anumang porma ng paghihiwalay ng daigdig at bloc confrontation, palalawakin ng Tsina ang patakaran ng pagiging bukas sa labas at malugod na tatanggapin ang pamumuhunan at pagnenegosyo ng mga dayuhang kompanya sa Tsina.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na likhain ang matatag, pantay at mahuhulaang kapaligiran ng komersyo para sa mga dayuhang kompanya.

 

Dumalo rin sa pananghalian ang mga namamahalang tauhan ng mga transnasyonal na kompanya na gaya ng Walmart, JPMorgan Chase, Intel, BASF, Volkswagen at Siemens.

 

Ipinahayag nila na natamo ang malaking tagumpay ng pamumuhunan sa pamilihang Tsino noong mahabang panahon, puno ng pananalig sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, nakahandang ipagpatuloy ang pagpapalalim ng kooperasyon sa Tsina at igiit ang pagtatakbo ng kanilang negosyo sa pamilihang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil