Premyer Tsino, nasa Dublin

2024-01-17 16:24:41  CMG
Share with:

 

Sa paanyaya ni Irish Prime Minister Leo Varadkar, dumating gabi ng Enero 16, 2024 (lokal na oras), si Li Qiang, Premyer ng Tsina sa Dublin International Airport upang pasimulan ang kanyang opisyal na pagbisita sa Ireland.

 

Sinabi ni Li na ang kooperasyon at relasyong Sino-Irlandes ay may malawak na prospek at malaking potensyal para sa pag-unlad.

 

Dumating sa Dublin si Premyer Li makaraang dumalo sa World Economic Forum 2024 Annual Meeting at magsagawa ng opisyal na pagbisita sa Switzerland.

 

Tagasalin: Bai Ruiyan

Pulido: Ramil