Premyer Tsino at Presidente ng European Commission, nagtagpo

2024-01-17 14:36:05  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Enero 17, 2024 sa Davos, Switzerland sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Ursula von der Leyen, Presidente ng European Commission sa sideline ng 2024 World Economic Forum Annual Meeting.

 

Tinukoy ni Li na nakahanda ang Tsina na angkatin ang mas maraming produkto ng Unyong Europeo (EU) at umaasa rin ang panig Tsino na paluluwagin ng EU ang paglilimita sa pagluluwas ng mga hay-tek na produkto sa Tsina at pantay na pakikitungo sa mga bahay-kalakal ng Tsina hinggil sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.

 

Ipinahayag ni von der Leyen na hinahangaan ng EU ang pagpapalawig ng Tsina sa pagiging bukas sa labas at hindi kinakatigan ang pagsasagawa ng decoupling sa panig Tsino.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang EU na pahigpitin ang diyalogo at pag-uugnayan at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima, at pagpapasulong ng reporma ng World Trade Organization.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil