Kooperasyon sa Ireland, handang pataasin ng Tsina

2024-01-18 10:19:07  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo nina Pangulong Michael D. Higgins ng Ireland at Premyer Li Qiang ng Tsina sa Dublin, Enero 17, 2024, sinabi ng premyer Tsino, na hangad ng Tsina na sustenableng palalimin ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang bansa, isaalang-alang ang mahalagang kapakanan at nukleong pagkabahala ng isa’t-isa, at walang humpay na pataasin ang antas at aktuwal na silbi ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Kailangan aniyang magkasamang pangalagaan ng dalawang bansa ang bukas at malayang sistema ng pandaigdigang kalakalan, katatagan at kaayusan ng kadena ng suplay at industriya sa buong mundo, at isakatuparan ang tunay na multilateralismo.

 

Ipinahayag naman ni Higgins na kasama ng panig Tsino, nakahanda ang kanyang bansa na pabutihin ang mapagkaibigang pagpapalitan; palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan; harapin ang mga pandaigdigang hamong gaya ng pagbabago ng klima, seguridad ng pagkaing-butil, at sustenableng pag-unlad; at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio