Ika-28 Old Beijing New Year Goods Collection, binuksan sa publiko

2024-01-18 16:56:14  CMG
Share with:

 


 

 

Idinaos sa National Agricultural Exhibition Center, Beijing ang ika-28 Old Beijing New Year Goods Fair

 

Binuksan, Enero 13, 2024 sa National Agricultural Exhibition Center, Beijing ang Ika-28 Old Beijing New Year Goods Fair para akitin ang malaking bilang ng mga mamamayan na pumunta rito at mamili ng mga iba’t ibang uri ng paninda para sa pagsalubong ng Bagong Taong Tsino.

 

Mga iba't ibang uri ng itinitindang lokal at banyagang produkto

 

Sa taong ito, itatampok sa iba’t ibang sulok ng exhibition hall ang mga lokal na produktong galing Inner Mongolia, Tianjin, Guangdong, Jiangxi, Shandong, at iba pang lugar sa Tsina, na nagdadala ng mga produkto ng heograpikal na indikasyon mula sa maraming lugar sa buong bansa at kabilang na ang mga produktong galing sa ibang bansa.


Mga nagtitinda at mamimiling Tsino

 

Ayon sa tagapangasiwa ng naturang perya, ang taunang New Year Goods Fair ay may kasaysayang higit sa 20 taon at kahit noon pa, ito ay labis na tinatangkilik ng mga taga Beijing.

 

Inaasahan na ang pagbubukas ng peryang ito ay higit pang makakatulong sa paglago ng ekonomiya at makakahikayat pa ng mas maraming mamimili mula sa loob at labas ng bansa para tangkilin ang produktong Tsino. Ang peryang ito ay tatagal mula Enero 13 hangang Pebrero 6, 2024.

 

Ulat/Larawan: Ramil Santos

Patnugot: Lito