Pangulo ng Togo, nakipagtagpo sa ministrong panlabas ng Tsina

2024-01-18 16:49:07  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo, Enero 17, 2024, ni Pangulong Faure Gnassingbe ng Togo kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi niyang lubhang napakahalaga ng relasyong Sino-Togolese, at aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.

 

(photo from Xinhua)


Sa loob ng framework ng Forum on China-Africa Cooperation, malaki aniya ang nagiging pag-unlad ng imprastruktura ng Togo at iba pang bansang Aprikano.

 

Pinupurihan aniya ng Togo ang Tsina sa pagtataguyod nito ng hustisya sa internasyonal na palataporma, at pagtutol sa pakiki-alam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Aprika.

 

Ginaganap ng Tsina ang di-matatawarang papel sa mapayapang pag-unlad ng Aprika, dagdag niya.

Bilang benepisyaryo ng kooperasyong Sino-Aprikano, sinabi ng pangulo ng Togo na isusulong ng kanyang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigan, at papalalimin ang kooeprasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Aniya, sa gitna ng magulong daigdig at kinakaharap na mga hamon sa mapayapang pag-unlad ng Aprika, kailangan ang suporta ng Tsina at pagpapalakas ng South-South Cooperation.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Wang na ang pagkakaibigan ng Tsina at Togo ay modelo ng South-South Cooperation.

 

Palalakasin aniya ng Tsina ang pakikipag-ugnayan sa Togo sa estratehiya ng pag-unlad, at susuportahan ang bansa sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad.

 

Pasusulungin ng Tsina ang pag-u-upgrade ng kooperasyon ng Tsina at Aprika para makamit ng Togo at iba pang mga bansang Aprikano ang benepisyong mula sa kooperasyong Sino-Aprikano, dagdag ni Wang.

 

Nakahanda rin aniyang ibahagi ng Tsina ang karanasan at pagkakataon ng pag-unlad sa Aprika para isakatuparan ang komong modernisasyon ng Tsina at Aprika.

Bukod dito, magkakahiwalay ring kinatgpo si Wang Yi nina Punong Ministro Victoire Sidemeho Tomegah Dogbe at Ministrong Panlabas Robert Dussey ng Togo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio