Pangulong Alassane Ouattara ng Cote d'Ivoire, nakipagtagpo kay FM Wang Yi ng Tsina

2024-01-19 16:53:20  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Enero 17, 2024, sa Abidjan, Cote d'Ivoire, si Pangulong Alassane Ouattara ng bansang ito kay Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Sina Pangulong Alassane Ouattara ng Cote d'Ivoire at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina (photo from Xinhua)


Sinabi ni Ouattara na patuloy na gagawing priyoridad ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Umaasa aniya ang Cote d'Ivoire na matututo sa mga matagumpay na karanasan ng Tsina, palalawakin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pagkamit ng higit pang mga bunga mula sa Forum on China-Africa Cooperation, para mas mabuting makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Binigyan-diin din ni Ouattara na patuloy na susundin ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Wang na natamo ng kooperasyong Sino-Aprikano ang historikal na bunga, ipinagkaloob nito ang mahalagang tulong para sa mabilis na pag-unlad ng Aprika, at nagbigay ambag ang Tsina at Aprika para sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na makipagtulungan, kasama ng mga bansang Aprikano, para tuklasin ang mabisang landas ng pagsasakatuparan ng komong kaunlaran at kasaganaan, na babagay sa kalagayan ng isa’t isa at maggagarantiya sa independensiya ng lahat, para sama-samang magsumikap tungo sa modernisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil