Napakalaking pagbabago sa lunsod Fuzhou, dala ng estratehikong proyekto ni Xi Jinping

2024-01-21 15:36:00  CMG
Share with:

Noong 1993, tinukoy ni Xi Jinping, noon ay Kalihim ng Munisipal na Komite ng lunsod Fuzhou, lalawigang Fujian ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sa proseso ng pagsulong ng Fuzhou tungo sa bagong siglo, dapat munang balangkasin ang isang siyentipiko at pangmalayuang estratehikong kaisipang nakabase sa katotohanan upang malikha ang dakilang kabanata sa usapin ng reporma at pagbubukas sa labas ng lunsod na ito.

Para rito, sariling pinanguluhan ni Xi ang pagbalangkas at paggawa ng “Estratehikong Kaisipan ng Pag-unlad ng Kabuhayan at Lipunan ng Fuzhou sa 20 Taon,” kung saan sistematikong pinagplanuhan ang hangarin, hakbang, alokasyon, at pokus ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Fuzhou sa 3, 8, at 20 taon.

Ito ay nakapagbigay ng pangkalahatang plano at estratehiya ng pag-unlad ng nasabing lunsod.

Hanggang ngayon, ang kaisipang ito ay patuloy na nakakapagbigay ng realistikong katuturang pampatnubay para sa Fuzhou.


Salin: Lito

Pulido: Rhio