Unipikasyon ng Tsina, suportado ng komunidad ng daigdig

2024-01-21 11:53:42  CMG
Share with:

Sa iba’t-ibang porma, ipinahayag kamakailan ng mga bansa at organisasyong pandaigdig ang posisyon tungkol sa resulta ng halalan sa rehiyong Taiwan ng Tsina sa 2024.


Ipinagdiinan nila ang suporta sa unipikasyon ng Tsina, at matatag na pagtutol sa panghihimasok ng anumang dayuhang puwersa sa suliraning panloob ng Tsina.


Anila, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa buong Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.


Kabilang sa naturang mga bansa at organisasyong pandaigdig ay Timor-Leste, Myanmar, Sri Lanka, Bangladesh, Tunisia, Niger, Uganda, Kenya, Ethiopia, Cuba, Brazil, Unyong Aprikano, Liga ng mga Bansang Arabe, at iba pa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio