Wang Yi, kintagpo ng PM ng Jamaica

2024-01-21 11:50:48  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa lunsod Kingston, Enero 20, 2024 (lokal na oras), kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi ni Punong Ministro Andrew Holness ng Jamaica, na patuloy at matatag na igigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina.


Magpupunyagi aniya ang kanyang bansa upang ibayo pang mapalakas ang estratehikong partnership sa Tsina.


Ipinahayag naman ni Wang ang paghanga ng panig Tsino sa paninindigan ng Jamaica, at inihayag niya ang pasasalamat sa pag-unawa at suporta ng Jamaica sa pangangalaga ng nukleong kapakanan ng Tsina.


Saad niya, iginagalang ng Tsina ang pagpili ng Jamaica sa sistema at porma ng pampamumuhay na angkop sa katangian ng bansa.


Katig din aniya ang Tsina sa pangangalaga sa soberanya at dignidad ng Jamaica, at pagganap nito ng mas mahalagang papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.


Samantala, kapansin-pansin aniya ang bungang natamo ng Tsina at Jamaica sa konstruksyon ng “Belt and Road,” at malawak ang prospek nito.


Umaasa ang panig Tsino na mapapalakas pa ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng kapuwa bansa, mapapalawak ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, mapapalalim ang pagpapalitang tao-sa-tao, at mapapatibay ang pundasyong pangkaibigan ng dalawang bansa, ani Wang.


Hinggil naman sa natamong pag-unlad ng Tsina, sinabi niyang kasalukuyang isinusulong ang modernisasyong Tsino, at nakahandang ipagkaloob ng Tsina ang mabuting karanasan sa mga umuunlad na bansa upang maisakatuparan ang komong kaunlaran.


Naniniwala naman si Holness na patuloy na gagamnapan ng Tsina ang namumunong papel sa pagharap sa mga hamong pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio