Ini-ulat ngayong araw, Enero 21, 2024 ng Korean Central News Agency (KCNA), na sa ilalim ng paanyaya ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, opisyal na dumalaw sa nasabing bansa ang delegasyong pampamahalaan ng Hilagang Korea sa pamumuno ni Choe Son Hui, mula Enero 15 hanggang 17.
Sinabi ng KCNA, na estratehikong nagkoordinahan ang dalawang panig at narating ang komong palagay tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Dagdag ng ulat, nagkasundo silang isulong ang pagpapalakas ng estratehikong koopersyon upang mapangalagaan ang nukleong kapakanan ng dalawang bansa at maitatag ang bagong multipolar na kaayusang pandaigdig na nakabase sa independiyensya’t katarungan.
Ayon sa KCNA, sinabi ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea, na handa si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na bumiyahe sa Hilagang Korea sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio