Yuyuan Lantern Festival, bumibida sa Paris

2024-01-22 17:13:15  CMG
Share with:

Paris, Pransya – Kasalukuyang isinasagawa sa parkeng Jardin d'Acclimatation ang Yuyuan Lantern Festival.

 

Ito ay isang tradisyunal na kultural na kaganapan, at ang unang pagdaraos nito sa nasabing parke ay tanda ng paglabas nito sa hangganan ng Tsina.

 

Ang Yuyuan Lantern Festival ay nakapukaw ng pansin ng maraming lokal na residente at turista sa Pransya.

 

Nagkaloob ito ng pagkakataon upang maranasan nila ang kahanga-hangang kislap ng isang pestibal ng parol ng Tsina.

 

Ang pagdiriwang ay magtatagal hanggang Pebrero 25.

 

 

Salin: Siyuan Li

Pulido: Rhio