Ang Pambagong Taong Pestibal ng etnikong Dong ay isang tradisyunal na kaganapang nagbibigay-pugay sa kanilang mga ninuno habang ipinagdiriwang ang pagkakatipon ng pamilya.
Ang pestibal na ito ay ipinagdiriwang sa iba't-ibang panahon ng taon, at nakadepende sa mga tradisyon ng mga Dong sa iba't-ibang lugar.
Karamihan sa mga pagdiriwang ay nangyayari sa Disyembre, at nagtatagal ng isang linggo o higit pa.
Bilang isa sa mga etnikong grupo ng Tsina, sinasabing ang mga Dong ay nagmula sa sinaunang mga tao ng Guyue, na may 2,500 kasaysayan.
Ang nasabing pestibal ay inilakip sa listahan ng pambansang intangible cultural heritage ng Tsina noong 2011.
Tagasalin: Bai Ruiyan