Atas ng pangulong Tsino: hanapin at iligtas ang mga nawawala sa landslide

2024-01-22 16:53:55  CMG
Share with:

Intasan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lahat ng may kinalamang departamento ng pamahalaan na hanapin at iligtas ang mga nawawala sa landslide na naganap ngayong madaling araw sa nayong Zhenxiong, lalawigang Yunnan, dakong timogkanluran ng Tsina.

 

Ayon sa pinakahuling balita, 47 katao ang hindi pa natatagpuan, at 18 kabahayan ang natabunan ng pagguho ng lupa.

 

Ani Xi, kailangang agarang isagawa ang rescue work para mabawasan ang kasuwalti.

 

Hiniling din niya na palakasin ang pagmo-monitor, pagsasagawa ng maagang babala, at siyentipikong paghahanap at pagligtas, para labanan ang sekondaryong kapahamakan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio