Espesyal na sugo ng Pangulong Tsino, dumalo sa inagurasyon ng Pangulo ng DR Congo

2024-01-22 16:27:59  CMG
Share with:

Kinshasa, kabisera ng Democratic Republic of the Congo (DR Congo) - Sa paanyaya ni Pangulong Félix-Antoine Tshisekedi Tshilombo, dumalo, Enero 20, 2024, si Shen Yueyue, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa inagurasyon ni Tshisekedi bilang pangulo ng DR Congo.

 

Samantala, sa hiwalay na pakikipagtagpo, Enero 21, 2024, ni Pangulong Tshisekedi kay Shen, ipina-abot ng panig Tsino ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Tshisekedi.

 

Ani Shen, lubos na mahalaga sa Tsina ang pag-unlad ng relasyong Sino-Congolese, at kasama ng DR Congo, magsisikap ang Tsina para isakatuparan ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, matatag na suportahan ang nukleong kapakanan ng isa’t-isa, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang pagkakabigan ng mga mamamayan ng dalawang panig, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa loob ng framework ng “Belt and Road Initiative” at Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika, at itatag ang mas matibay at mas masiglang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at DR Congo.

 

Taos-puso namang nagpasalamat si Pangulong Tshisekedi kay Xi sa kanyang ipinadalang espesyal na sugo.

 

Sinabi rin ni Tshisekedi kay Shen na ipaabot ang kanyang pangungumusta kay Xi.

 

Lubos aniyang mahalaga sa DR Congo ang tradisyonal na pakikipagkaibigan sa Tsina, kaya naman matatag nitong sinusuportahan ang patakaran isang-Tsina.

 

Nakahanda ang DR Congo na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng industriya ng mina at iba pang pangunahing larangan, para pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio