Xi Jinping Sa Mga Mata Nila episode 12

2024-01-22 11:54:20  CMG
Share with:


Noong Enero 2017, sa kanyang talumpati sa isang pulong sa mataas na antas ng United Nations tungkol sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, idiniin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pagtugon sa pinag-uugatang sanhi sa krisis ng refugee na kinakaharap ng mundo.


Sinabi ni Abdilahi Ismail Abdilahi, isang taga-Somalia na lektor sa Beijing Foreign Studies University na nakaranas mismo ng pagkawasak na dulot ng digmaan sa kanyang bansang tinubuan, na ang mga sinabi ni Pangulong Xi ay nagpakita ng pangako sa kapakanan ng mga karaniwang tao.