Ika-3 South Summit, nanawagan na wakasan ang hidwaan ng Israel at Palestina

2024-01-23 16:36:27  CMG
Share with:

Natapos, Enero 22, 2024, sa Kampala, kabisera ng Uganda, ang ika-3 South Summit kung saan ipinanawagan ng mga kalahok na lider ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip at ang proteksyon ng mga sibiliyan.

 

Sa dalawang araw na summit, hinimok ng mga lider ng Group of 77 at Tsina, ang United Nations Security Council (UNSC) na magsikap para ipatupad ang mga resolusyon nito sa pagwawakas ng hidwaan ng Israel at Palestina ng walang anumang pagpapaliban.

 

Ang South Summit ay pinakamataas na katawan sa pagsasagawa ng mga desisyon ng Group of 77 na binubuo ng 134 na miyembro. Dumalo sa pulong ang mga mataas na kinatawan ng halos 100 bansa at pinuno ng mga ahensya ng United Nations.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil