De-koryenteng bus ng Tsina, popular sa Uzbekistan

2024-01-23 16:25:23  CMG
Share with:

Nagiging patok sa mga residente ng lunsod Tashkent, kabisera ng Uzbekistan, ang eco-friendly na transportasyon, at dahil sa maraming elektrikong bus na gawa sa Tsina, mas lalo pang napapanibago hitsura ng lunsod.

Noong 2023, ini-order ng Toshshahartransxizmat, awtorisadong organisasyon ng pampasaherong transportasyon sa Tashkent mula sa Yutong Bus ng Tsina ang 800 bus, 300 sa mga ito ay de-koryente, at ang natitirang 500 ay gumagamit ng natural na gas.

Itinala nito ang bagong rekord ng pagluluwas ng bus mula sa Tsina patungo sa Uzbekistan.

 

Salin: Tirso