Inihayag ng departamentong panseguridad ng Iraq, na isang air strike ang inilunsad gabi ng Enero 23, 2024 (local time), ng tropang Amerikano laban sa isang paaralang militar sa paligid ng nayong Jurf al-Nasr.
Ayon sa ulat ng Shiite-led Popular Mobilization Forces (PMF) ng Iraq, nagpa-ulan ng maraming bomba at bala ang tropang Amerikano sa mga lugar sa paligid ng nayong Jurf al-Nasr at nayong Al-Qa’im, gamit ang eroplano de-giyerang F-16.
Hanggang sa kasalukuyan, dalawang miyembro ng PMF ang naitalang nasawi.
Ini-ulat naman ng American Broadcasting Company (ABC), sinabi ng dalawang opisyal ng Amerika na ang naturang air stike ay reaksyon sa air strike na inilunsad nitong Enero 20 ng PMF sa Ayn Al Asad Air Base.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio