Kaugnay ng muling paggiit ng pagkatig kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa prinsipyong isang-Tsina, ipinahayag Enero 24, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghanga ng panig Tsino sa pagkatig ng panig Pilipino.
Ani Wang, ang Taiwan ay isang di-mahihiwalay na bahagi ng Tsina, at ang ganap na unipikasyon ng Tsina ay hangarin ng lahat at tunguhin ng kasaysayan.
Ang lahat ng mga aksyon tungo sa “pagsasarili ng Taiwan” ay tiyak na mabibigo, saad niya.
Sa araw na ito, ipinahayag din ng tagapagsalita ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang parehong paninindigan.
Sa isang panayam Enero 23, 2024, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi sinusuportahan ng panig Pilipino ang “pagsasarili ng Taiwan.”
Ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina, at ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, giit pa niya.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio